VP Binay, nagbigay ng sariling ulat sa bayan

by Radyo La Verdad | August 3, 2015 (Monday) | 1339

vp-binay_true-sona
Pasado alas kwatro ng hapon ng dumating si VP Binay sa Cavite State University upang ipahayag ang kanyang sariling SONA.

Binatikos ni Vice President Jejomar Binay ang mga kakulangan sa State of the Nation Address ni Pangulong Aquino.

Puna ni VP Binay sa mahigit dalawang oras na SONA ni Pangulong Aquino ay pagbubuhat ng sariling bangko at paninisi umano ang ginawa nito

Muli nitong sinabi na manhid at palpak ang pamamahala ng administrasyon

Pinuna nito ang kapalpakan sa nakalipas na bagyong yolanda at kinuwestyon kung saan napunta ang budget para sa mga biktma

Binatikos ni Binay kung bakit maraming pinasalamat si Pnoy pati hair stylist nito subalit kinalimutan ang kabayanihan ng SAF 44 sa naganap na Mamasapano incident

Binangit rin nito ang pagiging untouchable ng ilang kawani ng pamahalan ukol sa isyu ng dap

Sinabi rin nitong di napakinabangan ng lahat ng sinasabing inclusive growth sa ekonomya ng bansa

Naniniwala si Binay na kapag naamyendahan ang economic provision sa saligang batas ay mas makikinabang ang mamamayan tulad ng pagkakaroon ng maraming trabaho

Pinuna rin nito ang philhealth na kahit marami ng saklaw ay di maayos ang serbisyo

Binatikos rin ang pagtapyas sa budget ng mga State Universities and Colleges at kapakanan ng mga guro

Ayon kay VP Binay sa ilalim ng administrasyon nahayag ang mga anomalya at kurapsyon tulad ng ulat ng COA na maraming ahensya ng pamahalaan ang di gumagamit ng tama sa pondo

Sa isang panayam una ng sinabi ni Pangulong Benigno Aquino the third na iginagalang niya ang karapatan ni VP Binay na magpahayag ng kaniyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang sariling SONA at kinuwestyon kung bakit linggo ang lumipas bago ito isinagawa ng pangalawang pangulo.

Tags: