Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang akusasyon ng korapsyon, halos hindi nagbago ang approval rating ni Vice President Jejomar Binay sa unang quarter ng taon batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Ngayong Marso, pumalo sa 46% ang approval rating ni Binay na halos pantay lang sa 45% na naitala nito noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Samantala, halos mayorya ng respondent o nasa 49% naman ang approval ratings ni Senate President Franklin Drilon.
Naunang inilabas ng Pulse Asia ang malaking pagbagsak sa approval ratings ni Pangulong Benigno Aquino III kung saan nagtala lamang ito ng 38% ngayong unang quarter ng taon mula sa mataas na 59% noong Nobyembre.
Tags: approval ratings, Franklin Drilon, Pulse Asia survey, VP Binay
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com