VP Binay hindi umano nabibigyan ng pagkakataong makasagot sa mga alegasyon ng kurapsyon laban sa kanya na iniimbestigahan ng Senado

by Radyo La Verdad | May 27, 2015 (Wednesday) | 1014

VP BINAY
Tinugon ni Vice President Jejomar Binay ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino the Third noong Lunes na dapat na sagutin ng Bise Presidente ang mga ibinibintang sa kanyang anomalya.

Ayon kay Binay, hindi siya binibigyan ng pagkakataon ng Senado na masagot ang mga ibinibintang sa kanyang katiwalian.

Halimbawa lang nito ang paglalabas ng Freeze Order laban sa kanya, sa kanyang pamilya at umanoy dummies kung saan di sya umano nabigyan ng pagkakataon na marinig ang kanyang panig.

Muli din nitong binatikos ang Senado na sa halip umano mga panukalang batas ang tinututukan ay personal na paninira lamang sa kanya ang ginagawa

Bukas inaasahang haharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa Makati City Hall 2 Parking building probe ang mga resource person nakilalang malapit kay Vice President Jejomar Binay.

Dagdag pa ni VP Binay, hindi ibig sabihin na freeze ang bank accounts ay may kasalanan na agad ang isang tao sa halip dapat munang mapatunayan kung saan ito nanggaling.(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: