Ipinahayag ni Bise Presidente Jejomar Binay na hindi siya apektado ng mga pasaring ni Pangulong Benigno Aquino the third sa kanyang huling SONA
Ngayong araw, naglabas ng official statement si Atty Rico Quicho ang tagapagsalita ng pangalawang pangulo.
Sinabi ni Atty Quicho na nirerespeto ng Bise Presidente ang pahayag ng Pangulong Aquino sa kanyang huling SONA.
Ayon kay Atty Quicho, hindi maiiwasan na magpasaring umano ang Pangulo sa Bise Presidente dahil sa ginawa nitong pagbibitiw sa gabinete at ang mga binitiwan nitong salita laban sa Administrasyong Aquino.
Ayon naman sa Pangalawang Pangulo bigo ang pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang SAF 44, distribusyon ng Hacienda Luisita sa mga farmer beneficiaries, katiwalian sa DOTC, Department of Agriculture at iba pang ahensya
Kabilang na ang iligal na paggamit sa DAP Funds, kurapsyon sa Bureau of Customs, selective justice at pamumulitika ng Ombdusman, Judiciary at pang-aabuso ng kapangyarihan ng kongreso at iba pa
Ayon naman sa Malacanang, makatwiran ang paliwanag ng Pangulo sa kanyang SONA kahapon taliwas sa batikos ni VP Binay.