VP Binay dadalo sa SONA ni Pangulong Aquino sa Lunes, ngunit naghahanda rin ng kanyang sariling SONA

by Radyo La Verdad | July 22, 2015 (Wednesday) | 1508

VP BINAY
Ipinahayag ni Vice President Jejomar Binay na sa kabila na hindi na siya miyembro ng gabinete dadalo siya upang pakinggan ang huling SONA ni Pangulong Benigno Aquino the third sa Lunes.

Paliwanag ni VP Binay kahit na nasa oposisyon sila ay di ibig sabihin nito na di na sila makikinig sa SONA ng Presidente.

Samantala, magsasagaw arin ng sariling State of the Nation Address ang Bise Presidente ngunit binigyang diin nito na hindi ito kontra SONA.

Wala din umanong problema sa pangalawang pangulo kung makatabi niya ng upuan sa batasang pambansa ang mga sinampahan niya ng P200 million law suit dahil ang pakay lamang niya ay pakinggan ang ulat ng Presidente sa bayan.

Si VP Binay ay nasa Tayabas City sa Quezon matapos na dumalo ng 200th birth anniversary ni Apolinario dela Cruz o mas kilala sa tawag na Hermano Pule isa sa ngananguna sa rebolusyon laban sa mga espanyol.

Sa isinagawang talumpati ni Vice Pres. Binay sa Memorial Shrine ni Hermano Pule sa Arias Baranggay Isabang, inisa-isa nito ang mga dapat pag-ukulan ng pansin ng kasalukuyang administrasyon sa kapakanan ng mga pilipino.

Bukas inaasahang nasa Iloilo City bilang guest speaker sa Annual Convention ng Philippine Public Health Association ang Pangalawang Pangulo.

Tags: ,