Voting Verification System para sa 2016 elections, hiniling ng IBP at LENTE sa COMELEC

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1697

VICTOR_COMELEC
Isang open letter ang inilabas ng Integrated Bar of the Philippines at Legal Network for Truthful Elections o LENTE na nananawagan sa Commission on Elections na maglagay ng Voting Verification System para sa 2016 elections.

Ayon sa IBP at LENTE sa nakalipas na dalawang automated elections tanging congratulatory message ang nakikita ng mga botante sa lcd screen ng mga PCOS machine.

Ayon sa grupo nakasaad sa Republic act 9369 o ang automated election law na isa sa minimum safety requirement ng batas ang pagkakaroon ng verification system kung saan makikita ng botante kung inirehistro ng tama ng makina ang kaniyang boto.

Binanggit din ng grupo sa liham ang ruling sa kaso ng roque versus comelec kung saan sinabi ng Korte Suprema na may mga lcd screens ang PCOS machines na maaring i -program o i- configure upang mai- display ang boto ng isang indibidwal ng na-aayon sa pagbasa ng makina sa balota.

Bukod dito hinihiling din ng LENTE at IBP sa COMELEC na huwag nang ipatupad ang one voter one ballot policy.

Anila sa nakaraang halalan may mga balota na hindi tinatanggap ng makina at dahil sa one voter one ballot policy wala nang pagkakataon na makaboto uli ang isang botante dahil hindi na siya bibigyan ng isa pang balota.

Apela ng grupo mag imprenta ng extrang balota upang magamit sakaling magkaproblema.

Bukas naman ang COMELEC sa panawagan subalit kailangang pag aralan ang pros and cons ng panukala.

(Victor Cosare/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,