Maaari nang magparehistro simula ngayong araw ang mga boboto para sa Sangguniang Kabataan o SK at barangay elections.
Tatagal ang registration hanggang sa July 30, araw ng Sabado.
Makakaboto para sa SK polls ang may edad labinlima hanggang tatlumpung taong gulang.
Hinikayat naman ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang mga botante lalo na ang mga hindi pa nakapagparehistro noong nakaraang national elections na samantalahin ang pagkakataon upang makapagpatala sa voters’ list.
Una nang nagpahiwatig ang COMELEC Chief sa nais nitong pagpapaliban sa SK at barangay elections upang isabay na lamang sa panahong mamimili na ang taumbayan ng mga deligado para sa constitutional convention.
Ngunit tinutulan naman ito ng ilang commisioner.
(UNTV RADIO)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com