Voters registration, hindi na palalawigin – COMELEC

by Radyo La Verdad | November 2, 2015 (Monday) | 913

COMELEC-ANDRES-BAUTISTA
Muling iginiit ng Commission on Elections na hindi na palalawigin ng ahensya ang voters registration para sa 2016 elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Andres Bautista, sapat na ang labingpitong buwan na ibinigay ng komisyon sa mga botante upang makapag pa-biometrics.

Samantala bibigyan naman umano ng konsiderasyon ng COMELEC ang mga nasa lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Lando, partikular na ang Region two.

Tags: , ,