Voter turnout sa 2022 National and Local elections, mas mataas kumpara sa mga nagdaang halalan

by Radyo La Verdad | May 11, 2022 (Wednesday) | 4581

METRO MANILA – Naniniwala ang Comission on Elections (COMELEC) na malalagpasan ng 2022 national and local elections ang dami ng bomoto noong mga nagdaang halalan sa Pilipinas.

Nagpapakita ito na kahit nasa gitna ng pandemya, mas nanaig sa mga Pilipino ang pagnanais na makaboto at piliin ang karapat-dapat mamuno sa bansa.

Ayon pa sa Comelec, ang halalan ngayong taon ang maituturing na may pinakamabilis na transmission ng election returns mula sa Vote Counting Machines (VCMs).

Batay sa ulat ng poll body, may mahigit 80,000 VCMs na ang na- transmit na election returns simula pa nitong Lunes (May 9) pagkatapos ng halalan.

Mas mataas ito kumpara sa 70,000 na na- transmit noong 2016 at 2019 elections sa kaparehong time period.

Noong 2010 at 2013 elections naman nasa 50,000 lang na election returns ang na- transmit mula sa VCMs.

Dahil mabilis ang transmission ngayong election results, posibleng makapag- proklama na ng 12 senador ngayong linggo.

Gayundin ng mga makakakuha ng seat sa party-list groups.

Samantala sa ulat ng Comelec, 915 ang depektibong VCM at mahigit 400 sd cards ang nagkaproblema nitong katatapos na halalan.

Nguni’t wala pa itong 1% kumpara sa 106,174 na clustered precincts sa bansa kung saan idinaos ang mga botohan.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,