Voter registration sa Pilipinas, bubuksan sa December 12

by Radyo La Verdad | December 9, 2022 (Friday) | 26355

METRO MANILA – Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration.

Kaya puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Comelec upang gawing accessible at madali para sa mga Pilipino ang pagpaparehistro.

At bilang bahagi sa kampanya ng Comelec na maraming Pilipino ang maabot at mahikayat na magparehistro at pahalagahan ang karapatang bumoto, sumakay sa iconic Wish 107.5 bus si Spokesperson Director John Rex Laudianco at personal na inanyayahan ang lahat ng wishers.

Magsisimula ang voter registration mula December 12, 2022 hanggang January 31, 2023. Bukas ito para sa mga regular at first time voters.

Pwede dito ang mga boboto sa Sangguniang Kabataan (SK) voters, paglipat ng lugar kung saan boboto, pag-reactivate ng voting status at pagsasaayos ng voter registration record.

Kasabay nito ay ipatutupad din ng Comelec ang “Register Anywhere Project” na pasisimulan sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng proyektong ito, ang sinomang pansamantalang nakatira sa NCR at nais makaboto sa kanilang probinsya ay maaaring makapagparehistro sa nakatalagang registration booths, kabilang ang SM Southmall, SM Fairview, SM Mall of Asia, Robinson’s Galleria at Robinson’s Place Manila

Bukas ito mula December 17, 2022 hanggang January 22, 2023, tuwing weekends

Inaanyayahan din ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na umpisaha nang magparehistro, simula ngayong araw December 9.

Bukod sa pagbibigay ng suporta sa OPM artists at iba pang international singers, bukas din ang Wish bus na tumulong sa pagpapalaganap ng makabuluhan at mahahalagang impormasyon na ipaaabot sa ating mga kababayan.

(Gladys Toabi | UNTV News)

Tags: , ,