Tuloy-tuloy pa rin ang regular na mass bloodletting activity ng Members Church of God International (MCGI) sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, maging sa ibayong dagat.
At noong weekend, ang mga volunteers naman mula sa Pasig City ang nakiisa sa public service ng grupo.
Isa-isang sinuri ng mga tauhan ng Philippine Blood Center ang limampung volunteers upang matiyak na nasa kondisyon ang mga ito upang makapag-donate ng dugo.
Paalala ng mga ito na dapat may sapat na tulog ang donor, hindi nakainom ng alcohol o anomang gamot sa loob ng nakalipas na bente kwatro oras at may sapat na kain at tubig.
Sa limampung nagpatala, tatlumpu’t isa ang nakapasa sa screening at nakapag-donate ng dugo.
Nanawagan naman ang Philippine Blood Center sa lahat ng mga grupo o indibidwal na nais maging blood donor na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan.
( Jenicca Cruz / UNTV Correspondent )
Tags: bloodletting activity, MCGI, Pasig city