Volunteers mula sa UNTV at MCGI, nagbigay assistance sa mobile consular services ng Philippine Consulate sa Vietnam

by Radyo La Verdad | August 10, 2017 (Thursday) | 1833

Sa loob ng labing-isang taong pamamalagi sa Vietnam ng kababayan nating si Mercy, dalawang beses lang siyang sumubok na pumunta sa mga consular mission. Ito’y dahil sa aniya’y hindi magandang karanasan noong unang beses siyang magtungo rito noong 2013.

Ngunit ngayong taon, magandang serbisyo ng Konsulada. Mayroon na kasing mga tumutulong sa mga kawani ng nito, partikular ang mga volunteer ng UNTV at Members, Church of God International.

Malugod ring tinanggap ng tagapangasiwa ng City International Hospital ang pagsasagawa ng mobile consular mission sa ospital dahil sa ganung paraan, sila man ay nakatutulong sa Filipino community sa bansa.

Bukod sa pag-asiste sa mga OFWS kung saan sila dapat lumapit, nagbigay rin ng libreng pressure at sugar check ang mga volunteers, laptop assistance at assistance sa photocopying services.

Nagbigay rin sila ng libreng meryenda sa mga naghihintay nating kababayan.

 

(Rj Timoteo / UNTV Correspondent)