Visitor arrivals nitong taong 2018, umangat ng 7.43 % ayon sa DOT

by Radyo La Verdad | December 14, 2018 (Friday) | 14141

Sa kabila ng pagsasara ng isla ng Boracay, nakapagtala pa rin ng mataas na record ng visitor arrival ang Department of Toursim (DOT).

Mula Enero hanggang Oktubre 2018, tumaas ng 7.43 % ang visitor arrivals ng Pilipinas.

Kung ikukumpara noong nakaraang taon, nasa 5.4 milyong visitor arrivals lang ang naitala, ngayong 2018 ay umabot ito sa 5.8 milyon. Nagnunguna dito ang South Korea, China, Unites States, Japan, Australia, Taiwan, Canada, United Kingdom, Singapore at Malaysia.

Iba’t-ibang mga libreng partnership din ang natanggap ng DOT mula sa mga private at business sector para tumulong sa mga kampanya ng DOT upang mas lalo pang ipakalat ang mga promotions nito.

Ilan sa mga programang patuloy pa rin papalakasin ng DOT ay ang pagpromote sa iba’t-ibang tourist destinations, patuloy na rehabilitasyon ng mga sikat na pasyalan, sun at beach activities, meetings, incentives, conference and exhibitions, nandyan din ang culinary tourism at ibang mga ideya at paraan para mas mapalakas ang turismo.

Ang Boracay Island ang tila naging highlight din ng mga accomplishments ng DOT. Sa muling pagbubukas nito, may sapat lamang na bilang ang kayang ma-accommodate ng isla, isa ito sa mga bagong panukala matapos isailalim sa major rehabilitaion.

Kabilang dito ang Cebu, Siquijor, ang isla ng Siargao kung saan kinikilalang number one island ng International Travel Magazine na Conde’ Nast.

Sinasabi din na nakaganda sa imahe ng Pilipinas at turismo ang mga modernizations ng airport, tulad ng mga e-gates at pagbubukas ng mga bagong airports sa iba’t-ibang probinsya, gayundin ang paggawa at pagsasaayos ng mga tourism road projects.

Inaasahan naman na hahatak din ng mga turista ang mga Balangiga bells matapos itong maibalik ang sa Samar at bibisitahin din ito mismo ni Secretary Berna sa susunod na taon .

Sa darating na Enero, muling pag-aaralan ng DOT ang National Tourism Development Plan, kasama dito ang Tourism Congress of the Philippines at umaasa naman na tataas pa ang ang tourist arrivals ng hanggang 7 milyon pataas sa susunod na taon.

 

( JL Asayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,