Vintage bomb, natagpuan sa ginagawang subdivision sa Antipolo City

by Radyo La Verdad | December 4, 2017 (Monday) | 6800

Pansamantalang naantala ang paghuhukay ng mga tauhan ng isang construction firm sa ginagawang subdivision sa barangay San Roque, Antipolo City noong Biyernes, ito’y matapos may madiskubreng vintage bomb sa isang bahagi ng lupain.

Kwento ng backhoe operator na si Mang Rufino, dakong alas otso ng umaga ng may matamaan siyang isang matigas na bagay habang naghuhukay.

Ayon kay Cainta Police Chief Superintendent Amisolo Rosero, isang arial bomb na may timbang na isang tonelada ang nahukay sa area. Aktibo pa ito at may blast radius na tatlong daang metro na may kakayahang makapagpaguho ng isang gusali.

Nagpaalala naman ang otoridad na ipagbigay alam kaagad sa kanila ang mga ganitong insidente.

Pansamantalang inilagak ang bomba sa Provincial Public Safety Company sa San Mateo, Rizal at nakatakdang dalhin sa Capas, Tarlac upang idispose.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,