Aminado ang mga kandidato sa pagka bise presidente na hindi pa rin talagang nararamdaman ng karamihan sa mga Pilipino ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Ayon kay Congresswoman Leni Robredo na pambato ng Liberal Party, dapat dagdagan pa ang mga programa sa ilalim ng 4PS gaya ng pabahay, paghahanapbuhay at paghahanda sa kalamidad upang ganap na maramdaman ng mahihirap ang pag unlad ng bansa.
Para kay Senador Bongbong Marcos, walang silbi ang paglago ng ekonomiya kung mataas naman ang bilang ng mahihirap.
Kung may pumapasok mangyaman sa bansa, dapat aniyang makabahagi dito ang mga mamamayan at hindi ang mayayaman lamang.
Sabi naman ni Senador Chiz Escudero, naiiwan pa rin sa paglago ng ekonomiya ang mga magsasaka at mangingisda, na siyang dapat maiangat ang kabuhayan
Ayon naman kay Senador Alan Peter Cayetano, kasabay ng paglago ng ekonomiya ang paglaganap naman ng krimenalidad kayat kailangan ng lider na may kakayahang masugpo ang krimen at illegal na droga.
(UNTV NEWS)