Vice President Leni Robredo, nangakong makikipag-tulungan at makikiisa sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 1629

LENI-ROBREDO
Pormal nang nanumpa bilang pangalawang pangulo ng bansa Si Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo.

Isinagawa ang inagurasyon kaninang alas nueve ng umaga sa Quezon City Executive House na dinaluhan ng iba’t ibang pulitiko, personalidad at maging ng marginalized sector.

Nanumpa si Vice President Leni sa harap ng dalawang barangay captain.

Ito ay sina kapitan Ronaldo Coner ng Bgry Punta Tarawal Calabangga na pinakamalayo at pinakamalayong barangay sa Camarines Sur

At sa harap ni Brgy. Captain Regina Celeste San Miguel ng Brgy. Mariana, Quezon city


Sa talumpati ni Robredo na tumagal ng sampung minuto sa wikang filipino, sinabi nya na buong puso nyang yayakapin ang responsibilidad ng pagigiging bise presidente ng may pagsisikap para mabigyan ng tunay na kaunlaran ang bansang Pilipinas.

Aniya, kahit ano pa mang paniniwala at pag kakaiba ng partido , bukas ang kanyang tanggapan sa pakiki pag tulungan sa administrasyon para sa kapakanan ng bansa.

Inilahad din nya ang kanyang mga gagawin sa kanyang unang isangdaang araw na panunungkulan.

Ito ang pagpunta sa iba’t-ibang malalayong lugar upang maipagpatuloy ang kanyang nasimulan na pag tulong sa mga kababayan nating mahihirap.

Binigyang diin ni Robredo ang kanyang mga pag tutuunan ng pansin tulad ng gutom at pag angat sa kahirapan, edukasyon, kalusugan at people empowerment.

Nagpasalamat din siya sa mga tumulong sa kanyang kampanya.

Samantala, ang talumpati ni Robredo ay hindi naging iba sa mga hangarin ni Sen. Bam Aquino na isang education advocate

Naging emosyonal din si Sen. Riza Hontiveros dahil halos pareho sila ng adbokasiya ni VP Leni.

Masaya At Excited Naman Si Vice Mayor Joy Belmonte dahil sa Quezon City Executive ang magiging opisyal na opisina ng bise president.

Naging simple at makabuluhan ang inagurasyon ni Vice Pres Robredo, ngunit hindi dito nag tatapos dahil ito pa lamang ang simula ng pagsasakatuparan ng mga pangakong binitawan noong sya ay nangagampanya pa lang. Muli, ay kanyang ipinakita na “the last man standing is a woman”.

(Angela Lagunzad/UNTV Radio)

Tags: