Vice President Leni Robredo, binisita ang ilang naging biktima ng Bagyong Nina sa Brgy.Salvacion, Buhi, Camarines Sur

by Radyo La Verdad | January 5, 2017 (Thursday) | 8714

allan_robredo
Kasabay ng ginawang pagdalaw ni Vice President Leni Robredo sa mga napinsala ng Bagyong Nina sa Camarines Sur ang pakiusap na huwag gamitin sa politika ang pagsasaayos sa mga naapektuhan ng bagyo sa Bicol Region.

Aniya sa halip na magbatikusan hinggil sa politika, magtulungan na lamang umano ang bawat pinuno ng bansa kung papaano maibabangon ang lalawigan matapos ang kalamidad.

Sa pag-iikot nito sa Rinconada area, gagawa umano siya ng paraan para matulungan ang ilang naging biktima ng bagyo.

Ayon sa ikalawang pangulo gagawin umano nilang systematic ang proseso upang mapabilis ang pagpapa-abot ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Maliban sa tulong sa pagsasayos ng mga bahay ng mga na biktima ng bagyo, pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan at napinsalang agrikultura, plano rin ni Robredo na agad maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa lalawigan

Samantala bukod sa Buhi, Camarines Sur plano rin puntahan ng ikalawang pangulo ang bayan ng Bula, Baao, Camaligan, Calabanga, Bombon, Magarao at bayan ng Canaman.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,