Nakipagtiis na pumila sa mahabang pilahan ng Precinct 36A si Rep. Imelda Marcos kanina sa Batac, Ilocos Norte upang bumoto.
Unang dumating kaninang alas sais ng umaga ang kanyang anak na si Sen. Bongbong Marcos upang bumoto ng maaga.
Pasado alas siete y medya ng umaga nang dumating si Representative Imelda Marcos sa Mariano Marcos Memorial Elementary School kaya naman marami na ang mga botanteng nadatnan ng ginang na nakapila.
Wala naman itong magawa kundi ang sumunod sa batas ang makapagsiksikan sa mainit at makipot na kuwarto ng polling precincts.
Sa pagboto ng ginang nahirapan din itong magmarka sa kanyang balota dahil hindi nito gaanong mabasa ang nakasulat.
Kinakailangan pang maghanap ng flashlight ng kanyang mga kasama upang tutukan ang kanyang balota at mabasa ito.
Wala naman naging aberya sa pagboto kanina ng mag-inang Marcos.
Umaasa ang pamilya Marcos na magiging maganda ang resulta ngayong May 2016 election.
Paalala nila sa mga taga suporta ng Marcos na bantayan ang kanilang mga boto.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: araw ng eleksyon, pilahan ng boboto, Rep.Imelda Marcos