VicePres. Leni Robredo, pinaunlakan ang dinner invitation ni Pangulong Rodrigo

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 2122


Pinaunlakan ni Vice President Leni Robredo ang dinner invitation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahit marami silang hindi napagkakasunduang isyu, sinabi ni VP Robredo na handa siyang makipag-usap sa pangulo kung para ito sa kapakanan ng bansa.

Samantala, naniniwala naman si Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan na ibabahagi ni Robredo sa partido anuman ang matalakay sa pulong.

Tags: , ,