6 sa 10 Pilipino, naniniwalang matutupad ni Pangulong Rodrigo ang kaniyang mga ipingako sa bansa – SWS survey

by Radyo La Verdad | July 25, 2016 (Monday) | 2339

NEL_SWS
Malaking bilang ng mga Pilipino ang naniniwalang matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga ipinangako sa bansa.

Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations noong June 24 hanggang 27 sa 1,200 respondent, 63 percent dito ang naniniwalang magkakaroon ng katuparan ang mga ipinangako ni Pangulong Duterte.

22 percent rito ang naniniwalang lahat ay matutupad ng pangulo, 41 percent naman ang naniniwalang karamihan sa mga pangako ni Pangulong Duterte ay kaniyang matutupad, 32 percent naman ang nagsasabing kaunti lamang sa mga pangako ang matutupad at 1 percent ang naniniwalang wala sa mga ipinangako ng pangulo ang matutupad.

Tumanggi munang magkumento ang Malakanyang sa bagong survey na ito.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,