Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio, inimbitahan sa susunod na pagdinig ng Senado sa umano’y korapsyon sa BOC

by Radyo La Verdad | September 5, 2017 (Tuesday) | 2139

Sentro ng magiging imbestigasyon sa Huwebes ang nilalaman ng August 23- privilege speech ni Senator Panfilo Lacson kung saan inilahad niya ang ilang detalye sa nangyayaring korapsyon sa Bureau of Customs, partikular na ang mga tumatanggap ng tara o grease money upang mapabilis ang paglalabas ng mga kargamento.

Inimbitahan sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at brother-in-law nito na si Atty. Mans Carpio na iniuugnay sa Davao group na kabilang umano sa nakikialam sa operasyon sa BOC.

Nagpahayag naman ng intensyon ang Vice Mayor at si Carpio na dumalo sa pagdinig. Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinayuhan niya  ang anak na si Paolo  na dumalo sa pagdinig ngunit sinabi rin na huwag itong sasagot sa mga tanong.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,