Vice mayor at 12 councilors sa Iligan City na sinuspinde ng Ombudsman, balik-trabaho na

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 2036

Isang maiksing programa ang idinaos kahapon sa munisipyo ng Iligan City, ito ay bilang selebrasyon sa pagbabalik sa trabaho ni Vice Mayor Jemar Vera Cruz at labindalawang city councilor matapos ang isang buwang suspensyon na ipinataw sa kanila ng Ombudsman.

January 4 ngayong taon nang ipatupad ng Department of the Interior and Local Government ang suspension order ng Ombudsman sa mga opisyal dahil sa simple misconduct.

Nag-ugat ito sa reklamong isinampa nina former Iligan Representative Vicente Belmonte and former Vice Mayor Ruderic Marzo.

Kaugnay ng pagpayag umano ng city council na patuloy na makaganap ng kaniyang tungkulin si Mayor Celso Regencia kahit na nasa loob ito ng kulungan sa pagkakasangkot sa ambush umano kay Belmonte noong December 2014.

Ayon sa bise alkalde, ngayong natapos na ang suspensyon ay pagtutuunan na lamang nila ng pansin ang kanilang trabaho.

Ngunit ayon kay Mayor Regencia may inihahanda na umano silang ligal na hakbang sa ginawang pagsuspinde sa kanila.

Naniniwala ang mga opisyal na politically motivated ang nangyaring suspensyon sa kanila.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,