Verification ng mga pirma para sa recall election sa Bulacan, umaarangkada na

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 2352

ALVARADO

Sinimulan na ng Comelec provincial office sa Bulacan ang pagberipika ng mga pirma para sa recall election laban kay Bulacan governor Wilhemino Sy Alvarado.

Nasa 319,707 na ang kabuuang bilang ng sinasabing lumagda sa petition for recall at sinimulan na kahapon ng mga election officer ng Bulacan ang pagsiyasat sa lahat ng pirma kung magtutugma ito sa voters registration noong nakaraang eleksyon

Mula noong Sabado at Linggo ay tuloy-tuloy ang bilangan at beripikasyon ng pirma sa bawat Comelec area sa 21 bayan at tatlong siyudad sa Bulacan at target nila na matapos ang proseso sa Abril 1, araw ng Miyerkules

Tinutulan naman ni Alvarado ang pagmamadali ng Comelec sa verification process. Anya taktika ito ng kalaban upang mapabilis ang recall election.

Magsasampa naman ng petisyon sa korte ang gobernador para i-cite for contempt ang Provincial Election Officer ng Bulacan dahil nilabag nito ang umiiral na temporary restraining order laban sa verification process na ipinalabas ng Malolos Regional Trial Court na epektibo hanggang Marso 26

Isang Perlita Mendoza na dating administrador ng provincial capitol ang naghain ng petition for recall laban sa gobernador. Si Perlita ay kamag-anak naman ni dating Bulacan governor Jonjon Mendoza.

Tags: , , , ,