Vending machines sa isang siyudad sa France, naglalabas ng mga reading material sa halip na pagkain

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 1355

VENDING-MACHINES
Nagkalat sa mga pampublikong lugar sa Grenoble, France ang mga vending machine na naglalabas ng mga maiikling kwento sa halip na mga inumin o pagkain.

Ang machine na gawa ng Publishing Start-Up na short edition ay may tatlong buton na maaaring pagpilian–ang 1-minute, 3-minute at 5-minute buttons.

Depende sa pipiliin ang haba ng kwento na ilalabas ng machine.

Layon nitong hikayatin ang mga tao na ibalik ang habit ng pagbabasa bilang past-time sa halip na gamitin ang maraming oras sa pagce-cellphone.

Suportado naman ng mayor ng Grenoble na si Eric Piolle ang inisyatibong ito at naniniwalang makakabuti ito para sa mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, walong makina na ang naka-install sa siyudad.

Ang serbisyong ito ay libre.

(UNTV RADIO)

Tags: ,