Sugatan ang dalawang pasahero ng motorsiklo matapos bumangga sa kasalubong na tricycle sa Barangay Landayan San Pedro, Laguna kaninang madaling araw.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na sina Leonard Ilagan at Benjamin Galang.
Wala namang sugat ang driver ng tricycle na si Rando San Juan.
Matapos lapatan ng paunang lunas ang mga biktima katuwang ang San Pedro Rescue ay dinala na ang mga ito sa ospital.
(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)
Tags: San Pedro Laguna, UNTV NEWS AND RESCUE, vehicular accident