VaxCertPH, kinikilala na sa EU nations

by Radyo La Verdad | August 12, 2022 (Friday) | 1207

METRO MANILA – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinikilala na ng mga bansang kasapi ng European Union ang VaxCertPH.

Ayon sa DFA, maaari nang magamit ng mga Pilipino ang VaxCertPH sa mga bansa sa EU, bilang katunayan na bakunado na sila laban sa COVID-19.

Ito ay dahil konektado na ang VaxCertPH sa EU digital COVID certificate system.

Gayundin kikilalanin na ng Pilipinas ang vaccination certificate ng mga bansang kasapi sa EU.

Tiniyak ng DFA na magiging mas mabilis at mas ligtas na ang pagbiyahe ng mga Pilipino sa mga EU nation.

Sa ngayon kinikilala na ang VaxCertPH sa 94 na mga bansa at teritoryo, kaya naman isa na ito sa mga maituturing na widely-recognized vaccination certificate sa buong mundo.

Tags: ,