Variants ng Covid-19 na natuklasan sa South Africa, posibleng makabawas sa bisa ng Covid-19 vaccine

by Radyo La Verdad | March 3, 2021 (Wednesday) | 1549

METRO MANILA – Batay sa ibinigay na impormayson ng Department Of Health (DOH) at sa mga lumabas na mga pag- aaral ng mga eksperto, parehong nakahahawa ang B.1.1.7 variant na unang natuklasan sa United Kingdom at B.1.351 na natuklasan sa South Africa kumpara sa umiiral na D614G variant sa Pilipinas

Nguni’t ang B.1.351 ay may component na nakapagdudulot ng tinatawag na “immune escape” kung saan maaring maka- apekto ito sa response ng katawan ng isang tao sa pagtanggap ng gamot o bakuna

‘Instead that your antibodies will be working for you against a specific disease, hindi niya magagawa iyon because of the effect of this variant kaya sinasabi nila na makakabawas sa efficacy ng isang bakuna beacuse naapektuhan nitong mekanismo para mag- produce ng antibodies” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Kaya naman patuloy pa rin ang pagtuklas ng mga eksperto sa iba’t ibang bansa kung ano ang C ovid-19 vaccine na mas makakapagbigay proteksyon sa isang indibidwal

Bukod sa Janssen ng Johnson& Johnson wala pang inilalabas ang ibang vaccine manufacturer sa efficacy ng kanilang bakuna laban sa B.1.351 variant ng Covid-19

“Itong sa Sinovac wala naman silang pinalalabas pa na pag- aaral kung sakali na kung may variant noh. Kaya naman nagkaroon ng mga datos itong manufacturers like Johnson&Johnson kasi sa ginagawang trial ay may biglang outbreak or tumaas ang kaso beacuse of these variants kaya nakasama sa trial nakita nila tuloy ang epekto “ ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Anim ang kaso ng b.1.351 variant na naitala sa Pilipinas. Tatlo sa mga ito ay mula sa Pasay City, 2 ang returning ofw mula sa Qatar at UAE.

At ang isa naman ay bineberipika pa ng DOH kung ito ay local case o isa ring returning OFW. Prayoridad ngayon ng kagawaran na pigilan ang pagkalat ng naturang virus

Bukod dito, may 30 karagdagang kaso rin ng B.1.1.7 variant na naitala ng mga eksperto, 20 sa mga ito ay returning OFWS mula sa Singapore, Middle East at USA

Pito ang hinahanap pa ang lokasyon At tatlo mula sa Cordillera Administrative Region. Sa kabuoan, mayroon nang walumput pitong kaso ng B.1.1.7 variant sa bansa.

May natuklasan din ang mga eksperto na 2 mutation ng virus sa region 7. Paliwang ng mga eksperto, normal ang mutation sa mga virus nguni’t kailangang mag- ingat ang publiko

Nilaw naman ng doh na isa sa nakakaapekto sa pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa ang mga natutuklasang bagong variants. Nguni’t wala pa rin namang community transmission ng mga ito sa Pilipinas

Ngayong Linggo, magsasagwa ng special genome sequencing run ang mga eksperto upang makita pa kung may mga bagong kaso pa ba ng bagong variants ng Covid-19 sa Pilipinas

Muling paalala ng DOH sa publiko, sumunod pa rin sa minimum public health standards kahit nabakunahan na kontra Covid-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: