METRO MANILA – Mahigpit nang ipinagbabawal sa Pasay City ang paggamit ng vape o electronic cigarettes sa mga pampublikong lugar.
Layunin ng City Ordinance 6061 na protektahan ang publiko sa mapaminsalang epekto nito sa kalusugan. Kasama rin sa ipagbabawal ang pagbebenta ng E-cigarette products sa mga menor de edad.
Nakasaad sa naturang ordinansa na bawal na itong gamitin sa loob ng mga opisina, ospital, health care centers, government offices, mga paaralan at sa recreational facilities. Ang sinomang lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 – P4,000 o may katumbas ng 12 hanggang 24 na community service.
Tags: Pasay city, Vape