Validity ng mga lisensya na nag expire noong Hunyo, pinalawig na ng LTO

by Radyo La Verdad | September 7, 2023 (Thursday) | 11835

METRO MANILA – Pinalawig na ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa o validity ng mga driver’s license na nag-expire mula pa noong Hunyo.

Bunsod pa rin ito ng inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) sa kinuha nilang supplier ng plastic cards.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, upang iwasan ang worst case scenario ay minabuti na niyang i-extend ito ng 1 taon.

Makikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang enforcers kaugnay ng hakbang na ito.

Tags: , ,

LTFRB, sinabing wala nang extension sa provisional authority to operate ng unconsolidated jeeps

by Radyo La Verdad | June 13, 2024 (Thursday) | 63815

METRO MANILA – Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala nang extension sa provisional authority to operate ng mga jeep na hindi nakapasok sa franchise consolidation.

Binigyang-diin ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na hindi na nila nais pag-aralan pa ang nasabing request ng ibang mga driver at operator dahil nakatuon na sila ngayon sa implementasyon ng modernization program.

Sinimulan na ng ahensya ang crackdown sa mga colorum na jeep gamit ang ibang pamamaraan dahil wala pang available na guidelines para sa on the ground apprehension ng unconsolidated jeepneys.

Wala pang approval ng Department of Transportation (DOTr) ang dapat gawin ukol dito.

Kailangan namang magpakita ng papeles ng isang jeep na mahuhuling hindi rehistrado para mapatunayan na sila ay nakapag-consolidate kapag tinubos na nila ito.

Tags: ,

Grace period sa panghuhuli ng mga E-bike at E-trike sa national roads, pinalawig pa ng isang Linggo

by Radyo La Verdad | May 21, 2024 (Tuesday) | 36980

METRO MANILA – May dagdag na 1 Linggong pataan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga E-bike at E-trike na dadaan sa national roads.

Ayon sa MMDA, sa susunod na Lunes, May 27 na nila sisimulan ang panghuhuli, paniniket, at pag-iimpound ng mga E-bike at E-trike.

Ipinaliwanag ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Don Artes napagdesisyunan ng ahensya na magsagawa pa ng 1 Linggong information drive.

Noong April 18 nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan pa ng 1 buwan na grace period ang mga E-bike at E-trike user dahil sa kakulangan ng awareness at daing na masyadong mataas ang multa na aabot sa P2,500.

Ayon sa MMDA, nabawasan na ang mga E-bike at E-trike users na nagtatangkang dumaan sa national roads sa loob ng nakalipas na 1 buwan na grace period.

Sa oras na maniket ang MMDA, 1,000 ang magiging multa sa mga E-bike at E-trike users kung meron silang dalang driver’s license habang 2,500 naman kung walang lisensya at ma-iimpound pa ang kanilang sasakyan

Tags:

Backlogs ng license cards at plaka, mawawala na simula sa July 2024

by Radyo La Verdad | May 15, 2024 (Wednesday) | 11014

METRO MANILA – Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na mawawala na ang natitira sa kanilang backlogs ng license cards at plaka ng motor vehicles sa darating na buwan ng Hulyo.

Ayon sa ahensya, sapat na aniya ang suplay ng plastic cards para sa drivers license ngayong taon kaya wala nang dahilan upang mag isyu ng mga papel na lisenya at magkaroon pa ng backlogs sa pagri-release nito.

Sinabi na rin ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza kay Pangulong Ferdinand Marcos jJnior sa pulong sa Malakanyang na matutupad ang zero backlogs target sa July 1.

Tags: ,

More News