Vaccination sites sa malalaking lugar sa bansa, inihahanda na ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | April 15, 2021 (Thursday) | 734

METRO MANILA – Bukod sa COVID-19 treatment facilities, patuloy na pinapalawig ng pamahalaan ang mga vaccination site sa bansa.

Ito ay bilang paghahanda sa mass vaccination ng  populasyon sa bansa na kinabibilangan ng iba’t ibang sektor.

Ayon sa Department Of Health (DOH), nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahlaan, mga Local Government Unit (LGU) at mga pribadong kumpanya para sa mas malawakang pagbabakuna.

Plano ng pamahalaan na buksan ang malalaking lugar gaya ng mga coliseum at stadium upang magsilbing mega vaccination sites.

“Una hong example diyan iyong nayong pilipino na dati ay nakasara. Aside from that, the private sector already has committed as part of their corporate social responsibility. Tutulong po sila sa atin for free.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Kinumpirma naman ng Commission on Higher Education na 17 paaralan na pumayag na gamitin ang kanilang pasilidad bilang vaccination sites.

Inaprubahan na rin ng Department Of Tourism ang panukala ng Manila City Government na gamitin ang ilang bahagi ng rizal park para sa pagtatayo ng drive-thru vaccination site at temporary mobile hospital.

Tiniyak naman ng national parks development committee na maibabalik sa orihinal na kondisyon ang luneta pagkatapos itong gamitin para sa mga naturang pasilidad.

“They need a space. Parang, tapos we can provide it naman for them. Of course, kung ibabalik naman siya in its condition, that’s really fine with us kasi ngayon, since MECQ, we’re also closed. So, mas magandang i-repurpose mo na lang yung open space for maximum use or parang for better use of the space.” ani NPDC Executive Director, Cecille Romero.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: