Sinampahan ng criminal at administrative complaint sa Office of the Ombudsman ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Councilor Hero Bautista.
Ito ay bunsod ng paglabag umano ng dalawang opisyal sa executive order 292 on dishonesty, neglect of duty at proliferation of illegal drugs.
Nagfile na ng leave na si Hero Bautista sa city council noong isang linggo upang sumailalim sa drug rehabilitation matapos aminin na biktima siya ng iligal na droga.
Gayunman, itinanggi nito na protektor ng droga ang kanyang kapatid na si Mayor Bistek.
Ngunit sa kabila nito, iginiit ng grupo na dapat nang magbitiw sa tungkulin si Hero.
Kasalukuyan namang nasa Oslo, Norway si Mayor Herbert Bautista para sa usaping pangkapayapaan at ayon sa city adminsitrator na si Aldrin Cuña, magbibigay lamang sila ng komento sa reklamo kapag natanggap na nila ang kopya nito.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Councilor Hero Bautista, naghain reklamo, QC Mayor Herbert Bautista, VACC