Time for reckoning o panahon na upang mapanagot ang dapat managot sa pagkakasawi ng apatnaput apat na tauhan ng Special Action Force noong January 2015 ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.
Ito ang reaksyon ng kalihim kaugnay sa utos ng Office of the Ombudsman na isama sa mga sasampahan ng kaso si dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident.
Batay sa pahayag ni Atty. Panelo, mananagot din sa hinaharap ang mga taong tinangkang gamitin ang kanila umanong kapangyarihan at yaman upang makatakas sa batas.
Noong Biyernes, ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na isama ang dating pangulo sa sasampahan ng criminal charges partikular na ang Usurpation of Authority at paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act bukod kina dating PNP Chief Allan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.
Tags: Dating President Benigno Aquino III, Mamasapano incident, Ombudsman