Utang ng Pilipinas, umabot na sa P13.91T nitong Abril

by Radyo La Verdad | June 2, 2023 (Friday) | 5851

METRO MANILA – Batay sa datos ng Bureau of Treasury, umabot na sa P13.91 trillion nitong Abril ang outstanding debt ng Pilipinas.

Ayon sa ahensya, P54 billion ang nadagdag dito sa nakalipas na buwan.

Sa kabuoan, nasa P1.11 trillion na ang natamong utang ng bansa sa ilalim ng Marcos administration sa nakalipas na 10 buwan.

Samantala, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mataas na presyo ng bigas, gulay, Liquified Petroleum Gas at kuryente ang maaaring maging factor sa magiging inflation rate ngayong buwan.

Tags: ,