UST Law Dean Nilo Divina at 64 pang persons of interest sa pagkamatay ni Atio, inilagay na rin sa immigration lookout bulletin

by Radyo La Verdad | October 27, 2017 (Friday) | 3687

Naglabas na ng ikalawang lookout bulletin ang Department of Justice sa iba pang miyembro at opisyal ng Aegis Juris Fratartenity na posibleng may kinalaman sa pagkamatay ni Horacio Castillo III. Kasama dito ang Dean ng University of Sto. Tomas College of Civil Law Dean Nilo Divina.

Idinagdag din dito ang pangalan ng mga miyembro ng Aegis Juris na nakuhannan ng CCTV footage sa Novotel at ang mga kasama sa kanilang fb chat group.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ginawa nila ito hindi para pigilan silang umalis ng bansa. Gayunman, kailangan aniyang kumuha ng permit ang mga ito sa DOJ bago bumiyahe sa ibang lugar.

Nananawagan din ang kalihim sa mga kabilang sa mga nasa look out order na lumapit sa DOJ at makipagtulungan upang malinis ang kanilang mga pangalan.

Naninindigan naman si UST Civil Law Dean Nilo Divina na wala siyang kinalaman o partisipasyon sa pagkamatay ni Atio.

Handa rin aniya siyang tumugon sa kautusan ng DOJ at wala siyang planong pagtakpan ang sinuman.

Kumpiyansa rin itong malilinis ang kaniyang pangalan dahil siya ay makikipagtulunan sa  mga otoridad

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,