Karamihan sa tao, pagkatapos uminom ng tsaa ay itatapon na lang ang teabag dahil para sa kanila ay wala na itong silbi. Pero iba ang pag-iisip ng isang painter sa New York dahil imbis na itapon ay ginamit niya ito bilang materyales sa kanyang mga painting.
Nagsimula ang ideya na ito ni Ruby Silvious noong taong 2015 nang maisip niya pagsamahin ang dalawa sa mga paborito niyang libangan, ang pagpinta at pag-inom ng tsaa.
Napansin niya na maaaring magamit bilang canvas ang mga used o at tuyong teabag. Dahil dito ay sinimulan niya ang proyekto na tinawag niyang 363 days of tea.
Ipinipinta niya sa mga teabag ang araw-araw niyang nararamdaman o ‘di kaya’y ang mga naiisip niya para sa araw na iyon na para bang ginawa niya itong kanyang personal na diary.
Sa ngayon ay makikita ang mga gawa ni Ruby sa iba’t-ibang exhibitions sa America at sa kanyang Instagram page.
Tags: artist, painting, used teabag