Usaping pang-ekonomiya at imprastraktura sa bansa, ilan sa pinaghahandaan na ng incoming administration

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 3281

Duterte-Transition-Team-Spokesman-Peter-Laviña
May mga programa ng administrasyong Aquino na planong ipagpatuloy ng incoming administration.

Ayon kay Duterte Transition Team Spokesman Peter Laviña, nais pa rin nilang maipagpatuloy ang mga infrastructure project na nasa ilalim ng public private partnership o PPP scheme.

Maging ang usaping pang ekonomiya at kung paano mararamdaman ng isang simpleng tao ang pag-unlad ng bansa ay nananatiling malaking hamon sa kanila.

Samantala, hindi pa kumpleto ang gabinete ni Presumptive President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Laviña, ang huling nagbigay ng mga kumpirmasyon para sa alok na posisyon sa gabinete ay sina Las Piñas Representative Mark Villar para sa DPWH at si Former Agriculture Secretary na si Carlos Sonny Dominguez na tinanggap na ang alok ni Duterte na maging kalihim ng Department of Finance.

Sa kasalukuyan ayon kay Laviña, marami pang kailangang punan na posisyon sa pamahalaan bago mag- June 30.

Aminado rin sila na matindi ang lobbying ngayon para sa mga pupunang posisyon.

Ayon pa kay Laviña naninindigan sila sa polisiya na walang palakasan at kung hindi kwalipikado sa posisyon ay hindi nila tatanggapin.

Alam din nila kung paano haharapin ang mga taong tumulong sa kanila na nanghihingi ng pabor.

Sinabi rin ni Laviña sa pupunta sila sa maynila kapag nagsimula na ang official congressional canvass of votes, ngunit walang ipinahayag kung kasama si Duterte.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: , ,