Usapin sa West Phl. Sea, illegal drugs at peace roadmap, ilan sa tinatalakay ngayon sa National Security Council Meeting

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 953

MEETING
Kumpleto ang apat na dating pangulo ng bansa sa National Security Council Meeting ngayong araw sa Malakanyang.

Alas tres ng hapon nagsimula ang pulong na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama sina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Benigno Aquino the third.

Kasama rin sa NSC meeting sina Vice President Leni Robredo, Senate President Kiko Pimentel, House Speaker Bebot Alvarez, minority at majority leaders ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso, at ilang chairman ng senado na may kaugnayan sa seguridad at mga miyembro ng gabinete.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tinatalakay sa pulong ang usapin sa West Philippine Sea, illegal drugs maging ang tungkol sa usapang pangkayapaan ng pamahalaan.

Inaasahan ng administrasyong Duterte ang buong suporta naman ng apat na dating pangulo ng bansa sa mga magiging hakbang ng pamahalaan ukol sa mga usaping ito.

Ang detalye at magiging resulta ng National Security Council Meeting ay inaasahang ilalabas ng Malakanyang sa mga susunod na araw.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: