Usapin sa disqualification case ni Sen. Grace Poe, dapat maresolba agad – Malacanang

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 2379

EDWIN-LACIERDA
Ipapabauya ng Malakanyang sa Korte Suprema ang desisyon kung kinakailangang ipagpaliban ang holiday break o bakasyon ngayong Disyembre upang mabigyang daan ang posibleng pag-aakyat ng disqualification case ni Senator Grace Poe sa kataas taasang hukuman.

“It’s really up to the Supreme Court to recognize if a petition filed before them, we will leave it with how the Supreme court will decide on that.”
Pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda.

Reaksyon ito ng Malakanyang sa pahayag ni Senate President Franklin Drilon na dapat matutukan at madesisyunan agad ang disqualification case ni Poe sa Korte Suprema.

Dahil sa makaka-apekto ito sa ginagawang preparasyon ng Comelec sa darating na halalan partikular na ang paghahanda sa mga balota.

Maging si Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay naniniwalang dapat maresolba agad ang kaso sa lalong madaling panahon .

Sa huling linggo ng Enero o Pebrero ay magsisimula na ang printing ng balota para sa halalan sa susunod na taon.

Una nang sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, na habang wala pang pinal na desisyon sa disqualification case ni Poe ay ilalagay pa rin ang kaniyang pangalan sa balota. (Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,