Usapin ng disaster risk reduction, dapat ituring na election issue

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 4989

CADAVIER
Taon-taon, mas mahabaang panahon ng paghahanda kaysa mismong pananalasa ng isang bagyo sa bansa kaya naman inaasahan na ang pamahalaan ay magagawa ang mga dapat gawin upang maiwasan ang malaking bilang ng mga nasawi at napinsala sa kalamidad

Ang bilang ng inilikas, nasugatan, at nasawi ay ilan lamang sa mga indicator kung nakapaghahanda nga ba ang lokal na pamahalaan laban sa nakaambang na kalamidad.

Sa ngayon,isang manual o checklist ang dapat sundin ng mga LGU sa 81 probinsya at ng halos isang libo at limang daan siyudad at munisipalidad , bago dumating, habang nananalasa at pagkatapos manalasa ng isang bagyo.

Tinatawag itong oplan listo ng Department of Interior and Locale Government.

Subalit ayon kay NDRRMC Executive Director Undersecretary Alexander Pama, bagaman maraming issue ang kinakaharap ng pamahalaan at lipunan, ang usapin sa disaster risk reduction and management ay dapat ding ikunsidera sa pagpili ng mga kandidato lalo na at papalapit na ang May 2016 national elections.

Ayon sa opisyal, dapat kakitaan ng abilidad at kaalaman hinggil sa mitigation at reduction ng disaster impact ang mga nagnanais mamuno sa bansa.

Dapat din aniyang maibilang sa debate at diskusyon ng mga kandidato ang disaster risk reduction at climate change.

Para sa NDRRMC, hindi lang dapat maging pangunahing criteria ng isang government official ang pagiging credible sa pagiging lingkod bayan.

Dahil maging katangian din ng isang public servant ang pagiging listo at handa sa mga kalamidad at peligro.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,