Usapang pangkapayapaan ng pamahalan sa NDFP, ‘di pa tuluyang tinatapos – Malacañang

by Radyo La Verdad | July 5, 2018 (Thursday) | 5575

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napag-usapan sa command conference ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kagabi na nananatiling bukas ang pintuan sa peace talks basta makamit ang mga kondisyong inilatag ng Pangulo para sa makakaliwang grupo.

Kabilang dito ang pagpapatigil ng koleksyon ng revolutionary tax, walang paghahasik ng kaguluhan, manatili ang mga rebeldeng NPA sa kanilang kampo at walang coalition government.

Maaari rin aniyang isulong ang localized peace talks sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan basta hindi nila isusuko ang pamamahala sa mga makakaliwang grupo at  sumusunod sa panuntunang pinagkasunduan sa Cabinet Cluster on Security.

 

Tags: , ,