US Senate inaprubahan na ang panibagong sanction na ibibigay sa North Korea

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1236
satellite launch ng North Korea(REUTERS)
satellite launch ng North Korea(REUTERS)

Inilabas ng state-run television ng North Korea na KRT ang video at mga larawan ng isinagawang satellite launch noong Linggo.

Sa video makikita ang umpisa ng launching na may iba’t- ibang anggulo.

Nakunan din ng larawan ang lider ng bansa na si Kim Jong Un na nanonood habang isinasagawa ang satellite launch.

Samantala inaprubahan na ng US Senate ang panibagong sanction na ipapataw sa North Korea.

Bilang parusa ito sa mga umano’y nuclear at ballistic missile test at iba pang aktibidad ng Pyongyang gaya cybersecurity attacks at human rights abuse.

Tags: , ,