US Sec. John Kerry at Pangulong Duterte tinalakay ang usapin sa terorismo, maritime security, climate change at EDCA

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 4290

us-ph
Tinalakay naman sa pulong kanina nina Pangulong Rodrigo Duterte at United States Secretary John Kerry ang mga usapin tungkol sa terorismo, maritime security, climate change at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Inilatag rin dito ang ilang mga solusyon sa mga naturang isyu.

Nagbigay rin ng financial assistance ang Estados Unidos na nagkakahalaga ng 32 million dollars para sa training at services ng mga law enforcement agency.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang tungkol sa Paris climate change agreement, kung saan ipinaliwanag ng US State Secretary ang ilang probisyon nito.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, handa namang sumuporta ang Pilipinas sa kasunduang ito kung ang lahat ay magiging patas.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: , ,