US Presidential primaries, ginaganap sa mga North East States ng America

by Radyo La Verdad | April 27, 2016 (Wednesday) | 987

US
Kasalukuyang ginaganap ang US Presidential primary ng Democrats at Republicans sa mga estado ng Pennsylvania, Maryland, Rhode Island, Delaware at sa Connecticut.

Ang primaries sa mga estadong ito ay isa sa mahalagang eleksyon para sa democratic presidentiables na sina Hillary Clinton at Bernie Sanders, dahil kung magagawang manalo ni Clinton sa mayorya ng mga estado ay tuluyang magiging mathematically impossible para kay Sanders na marating ang kailangang bilang ng delegates upang maging nominee ng democrats para sa general elections.

Samantala, inaasahang magwawagi din si Republican front runner Donald Trum sa mga estadong ito, kung kaya’t mas magiging mahirap sa mga katunggali nitong mapigilan ang pagiging nominado ni Trump ng Republicans.

Double digits ang lamang nila Clinton at Trump sa halos lahat ng estadong ginaganap ang primaries sa araw na ito, ngunit ayon sa mga kalaban ng mga ito ay hindi pa din sila susuko at pararatingin ang kampanya hanggang sa party convention sa Hulyo.

(UNTV RADIO)

Tags: