US Pres Trump, magpapataw ng Financial at Economic sabotage laban sa Iran

by Erika Endraca | January 9, 2020 (Thursday) | 8402
President Trump addressed the nation after Iran launched missiles at two military bases housing U.S. troops in Iraq.

United States – “Appears to be Standing Down” ito ang maiksing sinabi ni US President Donald Trump sa kaniyang Address to the Nation sa Whitehouse Kaninang Umaga (american time)  matapos ang pagatakeng ginawa ng Iran sa US airbase sa Iraq Kahapon (January 8).

Ayon kay President Trump magi-impose sila ng dagdag na financial and economic sanction sa Iran kaugnay sa pagpapasabog na ginawa ng Iran sa Sairbil at Al Asad airbase sa Central Iraq na ginagamit na kampo ng mga sundalong Amerikano.

Kinumpirma ni US President Trump na walang sinomang nasawi o nasaktan sa naturang pagpapasabog.

Sa pagtatapos ng speech ni President Trump, sinabi niya na “Ready to embrace peace” ang bansang US sa sino mang nais na makamtan ito.

(Alvin Cabamungan | UNTV News)

Tags: ,