US Pres. Obama, bumisita sa Philippine Navy Flagship na BRP Gregorio del Pilar

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 1271

OBAMA-2
Sa kaniyang ikalawa pagbisita sa Pilipinas, nangako si US President Barack Obama nang maritime security assistance sa Pilipinas.

Pagka-galing sa airport ni US President Obama, binisita nito ang BRP Gregorio del Pilar sa Philippine Navy Headquarters sa Manila Bay.

Ito ang Philippine vessel na idinedeploy sa West Philippine Sea at Northern Luzon upang panatilihin ang maritime security ng bansa.

Dalawang barkong pang-militar din ang planong idonate ng Amerika sa Philippine Navy.

Malaking tulong sa Philippine Navy kapag tatlo na ang barkong gagamitin sa maritime security ng pilipinas tulad ng BRP Gregorio del Pilar.

Samantala, dumating din ang Arleigh Burke-Class USS Fitzgerald guided-missile destroyer sa Manila Bay nitong lunes.

Isang araw ito bago ang nakatakdang pagdating ni US President Obama sa bansa para sa APEC Summit 2015.

Nasa limang araw na support mission ang barko sa Pilipinas at ito ang huling US vessel na nagsagawa ng routine patrol sa South China Sea.

Ang USS Fitzgerald ay nasa ilalim ng command ng US Navy 7th fleet. (Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,