Nakatakdang makipag-usap si United States President Barack Obama kay Pangulong Rodrigo Duterte sa September 6.
Magaganap ito sa Laos kung saan isasagawa ang ASEAN Summit na dadaluhan ng dalawang pangulo.
Ayon kay White House Deputy National Security Adviser Ben Rhodes, inaasahang bubuksan ni President Obama ang isyu ng human rights.
Gayundin ang mga naging pahayag noon ni Pangulong Duterte tungkol sa international media at iba pa.
Posibleng matalakay din ang territorial dispute sa West Philippine Sea.
Tags: isyu ng seguridad at human rights, nakatakdang makipag-usap kay Pangulong Duterte, US Pres. Barack Obama
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com