Nagpadala ng isang guided-missile destroyer ang US Navy sa artificial islands na itinayo ng China sa South China o West Philippine Sea upang hamunin ang ginagawang pag-angkin ng China sa nasabing teritoryo.
Ayon sa isang US Navy Official na tumangging magpakilala,naglayag ang uSS Lassen malapit sa Subi at Mischief Reefs sa Spratly archipelago.
Ilan ito sa reefs na tinambakan ng China upang pagtayuan ng mga artipisyal na isla noong 2014.
Itinuturing ang bahaging ito ng South China o West Philippine Sea bilang World’s Busiest Sea lanes.
Bukod sa destroyer, gumamit din ng US Navy P-8a at P-3 surveillance planes na karaniwan nang sumasama sa mga surveillance missions.
Samantala,sinusubukan namang beripikahin ng Foreign Minister ng China na si Wang Yi kung tunay ngang pumasok sa 12-mile zone ang US Ship.
Ayon kay Wang, dapat pag-isipang mabuti ng US ang anumang hakbangin nito upang maiwasan ang anumang gulo.
Ayon naman sa Chinese Embassy sa Washington, hindi dapat maging dahilan ng US ang freedom of navigation upang ipakita ang pwersa nito kundi bagkus magpakita ng responsibildad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. ( Rosalie Coz / UNTV News )