Nagsimula ng magpatrolya at magsagawa ng maritime drills ang United States Navy sa karagatan ng Pilipinas noong Sabado.
Pinangunahan ito ng super aircraft carriers ng Estados Unidos na USS John C. Stennis at USS Ronald Reagan.
Kabilang sa mga isinagawa nitong activities ang air defense drills, sea surveillance, defensive air combat training, long range strikes at iba pa.
Bukod sa pagkakataong makapag-train sa isang high-end scenario, bahagi rin anila ito ng iron clad commitment ng Amerika sa Pilipinas sa pagpapanatili ng seguridad sa rehiyon at pagpapanatili ng freedom of navigation at overlight sa Indo-Asia Pacific.
(UNTV RADIO)