METRO MANILA – Suportado ng Estados Unidos ang Pilipinas matapos ang ulat ng umano’y pangha-harass ng Chinese navy sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa isang pahayag, sinabi ni US State Department Spokesperson Matthew Miller na isang paraang ng intimidation at harassment naging aksyon ng China matapos lumabas ang isang video noong nakaraang Linggo.
Isang Chinese Coast Guard ang muntikang nang tumama sa isang Philippine Patrol Vessel 105 nautical miles west ng Palawan noong April 23.
Nanawagan din ang opisyal sa Tsina na itigil na ang mga nasabing hakbang. Tiniyak din nito na patuloy din mino-monitor ng US ang stiwasyon.
Depensa ng China, ang nangyaring insidente ay dahil umano sa “Premeditated and Provocative Action.” ng Philippine patrol vessel .
Samantala, tiniyak anamn ng Department of Foreign Affairs (DFA) na muling maghahain ng karampatang diplomatic actions ukol dito.
Ayon kay DFA Spokesperson Ambassador Teresita Daza, hinihintay lang nila ang official report mula sa PCG patungkol sa insidente.
(Aileen Cerrudo | UNTV News)
Tags: China, PCG, US, West Philippine Sea