Ipinakita ng AFP sa media ang kauna-unahang chemical, biological, radiological at nuclear defense unit nito ngayong umaga.
Balak ng AFP na ireplicate ito sa iba pang major services ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas tulad ng Philippine Navy at Philippine Airforce.
Layon ng grupong makaresponde sa mga banta ng terorismo.
Kasabay nito ay nagbigay din ang US defense threat reduction agency at US pacific fleet sa AFP ng iba’t ibang equipment tulad ng joint chemical agent detector, chemical
detection system, harness, gas monitor at iba pa.
Ito ay upang paigtingin ang kakayahang pang depensa ng aAFP pagdating sa chemical, biological, radiological at nuclear threats.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)
Tags: AFP